Ang mahal nating Pangulo ng Republika ng Pilipinas Ferdinand Bongbong Marcos Jr. mismo ang syang dumalo bilang panauhing pandangal sa pagtatapos ng 23 days Grand Masskara Festival ng Lungsod ng Bakolod kung Saan sa harapan mismo ng ating lider ng bansa itinanghal ang grandiosong Masskara dance competitions mula sa mga batikang dancers sa ibat ibang barangays ng “City of Smiles” na sa ngaun ay nasa liderato na ng bagong alkalde Alfredo Bantug Benitez.
Kasama ang unang ginang na si Lisa Araneta Marcos, ang ating pinakamamahal na kababayan at ang tanyag na anak ng first family si Congressman Sandro A. Marcos ng Ilocos Norte, mas nagiging masaya at makulay ang selebrasyon ng mula pa noon isang “world class” festival.
Di pa lumabas ang data sa kung ilang Milyon katao mula sa ibat ibang panig ng Pilipinas at buong mundo ang dumalo at bumisita sa lungsod sa loob ng tatlong linggong (3 weeks) pagbalik muli ng Masskara Festival.
Ang kwento ng pagkabuo, pagsilang at pundasyon ng naturang okasyon ay simbolo ng katatagan at muling pagbangon mula sa naranasang trahedya sa pagkalubog ng M/V Don Juan na pag aari ng Negros Navigation mahigit apat na dekada na ang nakalipas kung saan Maraming mga Bacolodnon at Negrense ang nawalan ng mga mahal sa buhay.
Ang nabanggit na barko ay isang first class na sasakyang pandagat noong dekada 80 na may world class facilities and amenities.
At sa panahon na yun mismo bumagsak ang industriya ng asukal (sugar industry) na ito naman ang pangunahing haligi ng ekonomiya sa Occidental Negros na tinaguriang “sugarlandia or sugar bowl of the Philippines “.
Sa hindi maliwanag na kadahilanan politikal man o economic sabotage na matatawag naghirap ang kapital na syudad at lalawigan ng Occidental Negros.
Linibo-libo ang mga sugar farm workers at mga hacienderos ang apektado, ang trade and commerce, banking institutions na pati ang labor force sa mga hacienda ay bumaba ang morale.
Lumabas pa ang pamosong kanta noon “mga bata sa Negros” na naglalarawan ng kahirapan at hagupit ng gutom na dulot ng pagbagsak ng sugar industry.
Subalit dahil likhang may katatagan, at sa konsepto at tulong ng mga lokal artists (AAB) Art Association of Bacolod sa lokal na administrasyon ni Mayor Jose “Digoy” Montalbo at nga City Officials at iilang nga tourism officials ipinanganak ang Masskara Festival.
Naalala pa ng writer na ito na binisita pa ang lungsod ng dating Santo Papa Paulo II.
Nasa sekondaryong lebel pa lamang kami noon ng pag aaral ng una naming Naranasan ang gumawa ng hurno para sa maskara para gamitin sa parada.
Hanggang sa inabot ko pa ang magiging bahagi na mismo ng ilang administrasyon na gumagawa ng planu, budget support at kabilang sa mga decision makers sa bawat Oktubre ng mga taon sa malawakang kahandaan bawat sasapit ang festival month.
At sa nagdaang mga heherasyon at ilang namumuno sa syudad, di na mabilang ang mga natamong parangal at pagkilala sa Masskara Festival sa bansa at sa ibat ibang panig ng mundo.
Minsan akong napasama sa deligasyon kung Saan Febrero 2016 ng nagtanghal ang Masskara Dancing Competition Champion ng Baranagay Granada sa Hongkong tiempo ng Chinese New Year sponsored ng Cathay Pacific.
Si dating mayor Moncio O. Puentevella ang head ng delegasyon noon.
“Balik Yuhum” ang konsepto ng 2022 Masskara Festival.
Very timely and strategic dahil mahigit dalawang taon mula ng pumutok ang pandemya dala ng Covid-19 ang halos kumitil sa pagalaw ng ibat ibang aspeto sa buong mundo.
Lugmok halos ang global at mga local economy.
Ang mga dating Matatamis na mga ngiti ay napalitan ng walang kasiguruhang kalagayan sa buhay ng bawat isa.
At sa hindi inaasahan ng nakararami sobra pa sa balik sigla at muling ngumiti sa Bacolod City at ang mga mamamayan nito.
Bonggang Bongga ang pagtatanghal ng festival ngayong 2022! Napawi ang uhaw at pangungulila sa nakasanayang buhay Masskara.
Oktuber fest sa kultura ng iba rolled into one naman sa Lungsod ng Bakolod.
Daming mga artista at entertainment personalities, mga top political leaders, local and international tourists, suporta ng Provincial Government at hard working city officials at mga major players ng “Balik Yuhum” na kumitiba, determinadong Mayor Albee Benitez, All out support ni Congressman Greg G. Gasataya, encouragement sa pagbangon mula sa DOT at national officials at higit sa lahat ang tremendous support mula sa mga Bacolodnon ang naging bunga ay isang napakalaking panalo para sa muling pagbangon ng City of Smiles sa kabila ng pinagdaanang mga pagsubok.
Muling nabuhay ang food industry, transportation sektor, hotels and restaurants, supermarkets, malls na malalaki, turismo at ang sirkulasyon ng pera sa malawak na purchasing power at buying public potentials na panibagong hudyat ng isang makasaysayang pagbangon para sa katatagan ng ekonomiya ng lungsod.
Na kahit anu pa ang mangyayari at kasunod na mga pangyayari, multi muli ang kwento ng Masskara festival ay isang testimonyal sa matapang na pagbangon mula sa pagbagsak na kahit Anu pa man basta sama sama sa iisang mithiin ang tagumpay ay laying nakamit.
At sa mga susunod pang henerasyon ang makasaysayang Bantug na Masskara festival ay ating pagyamanin, dahil itp ang sagisag ng ating mga buhay.