Home FAQ Mga dapat malaman tungkol sa pagtatatag ng tatlong Probinsya ng Palawan

Mga dapat malaman tungkol sa pagtatatag ng tatlong Probinsya ng Palawan

by Palawan Vanguard News
0 comment
Mga benepisyo nang pagtatatag ng tatlong probinsya.

Mga benepisyo nang pagtatatag ng tatlong Probinsya?

  • Mailalapit ang gobyerno at kapitolyo sa mga mamamayan at mas magiging maayos at mabilis ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo.
  • Maraming trabaho ang mabubuksan para sa mga mamamayan.
  • Mas mapalalakas ang presensya at serbisyo ng mga ahensya ng Pamahalaang Nasyunal gaya ng DepEd, PNP, LTO at iba pa.
  • Maraming Negosyo ang darating gaya ng hotels, malls, restaurants, at iba pa.
  • Mas mapaiigting ang pangangalaga sa kalikasan dahil sa maliit na ang babantayang lugar.
  • Mas mabilis ang pag-unlad sa bawat munisipyo at mga barangay
  • Ang tatlong probinsya ay maituturing na mga first class provinces.

Frequently Asked Questions (FAQ)

1. Anu-ano ang mga bayan na bumubuo sa bawat probinsya?

Palawan Del Norte [Busuanga, Coron, Culion, Linapacan, Taytay(Kapitolyo)]
Palawan Oriental [Agutaya, Cuyo, Magsaysay, Dumaran, San Vicente, Cagayancillo, Araceli, Roxas (Kapitolyo)]
Palawan Del Sur [Kalayaan, Quezon, Aborlan, Narra, Sofronio Española, Rizal, Bataraza, Balaback Brooke’s Point(Kapitolyo)]Towns and cities included in every provinces of Palawan..

2. Bakit isinusulong ang paglikha nga tatlong probinsya sa Palawan?

Ang Palawan ang itinuturing na PINAKMALAKING PROBINSYA sa buong Pilipinas na may sukat na 1.7 Milyong Ektaryang lupain at dalampasigan na may habang 2,000 kilometro, mas Malaki pa ito sa buong rehiyon ng CALABARZON, 3 BESES itong mas Malaki sa lalawigan ng CEBU, 7 BESES na mas Malaki sa LAGUNA, at 5 BESES naman na mas Malaki sa BATANGAS. Sa kadahilanan na ito kaya ang paglilikha ng tatlong probinsya ay magiging maliliit ang sakp ng bawat pamahalaan at matutukan ang lahat ng mamamayan.Palawan Islands

3. May isinasagawang konsultasyon ba ang RA 11259?

Mayroon. Ang pag-apruba ng Batas Republika Blg. 11259 ay malinaw na tumupad sa demokratikong proseso ng malayang konsultasyon sa mga lider at mamamayan ng Palawan. Ito ang kinatigan ng Korte Suprema nag i-dismiss o ibasura ang petisyon ng NGO at One Palawan a kumukwestiyon sa batas na ito dahil ang ganitong argumento ay walang laman."Sabang Beach in Palawan, Philippines" by Kaldari is in the Public Domain, CC0

4. Bababa ba ang tatanggaping parte sa Internal Revenue Alltoment (IRA)?

Hindi, dahil ang IRA ng Palawan sa ngayon ay halos aabot sa tatlong bilyong piso (P3-B) at ito ay inaasahang aabot ng humigit kumulang sa anim na bilyon (P6-B) sa taong 2022. Ito ay sa kadahilanang may pagtaas ito dada taon na 9% hanggang 12%. Magdadagdag pa rito ang “equal sharing” na dati ay isang share lang ang napupunta sa isang Palawan at ang ipatutupad na “Mandanas Decision” na karagdagang pondo sa mga LGUs na parte sa kolesyon ng National Government tulad ng VAT, Excise Tax, at taxes galling sa Bureau of Customs.

Kaya sa pagsisimula ng mga bagong probinsya sa 2022 ay tinatayang ang Palawan del Sur ay may budget na P2.4-B, ang Palawan del Norte ay P2.2-B, at ang Palawan Oriental ay P2-B. Lahat ay maituturing na first class provinces.

5. Bakit babawasan ang parte nga mga barangay sa kita ng natural wealth mula sa 35% at gagawing 16%?

Ayon sa probisyon ng Local Government Code, tanging ang mga barangay lamang na may mina oiba pang natural wealth ang may parting 35% mula sa buwis galling dito. SA 367 BARANGAYS SA BUONG PALAWAN, APAT (4) LANG ANG TUMATANGGAP NG 35%, ito ay ang RIO TUBA sa BATARAZA, PUNANG sa ESPAÑOLA, SAN ISIDRO sa NARRA, at BERONG sa QUEZON.

Sa bagong Batas Republika 11259, binawasan ang 35% na napupunta sa 4 na barangays at ginawa na may parte sa natural wealth at ginawa na lang itong 16%. ANG PARTE NAMAN NG PROBINSYA AY GINAWANG 60% UPANG IBAHAGI SA LAHAT NG MGA BARANGAY NA WALANG PARTE SA NATURAL WEALTH.

Note: This is a paid advocacy.

You may also like

Leave a Comment

About Us

Lorem ipsum dolor sit amet, consect etur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis..

Feature Posts

Coronavirus Today: California is not exactly leading by example Crews union reaches deal on film and TV contract for US workers Net zero pledges offer hope of avoiding catastrophe, says UN report Baseball boosts TBS, NFL gives ESPN a kick and streamers love ‘Squid’

Useful Links

Newsletter

Subscribe our newsletter for latest news. Let's stay updated!

@2021 - Designed and Developed by PenciDesign

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00