Home EDITORIAL The Founder and CEO Speaks: MGA MATATAAS NA OPISYALES SA TATLONG SANGAY NG PAMAHALAAN AT ANG KANILANG MGA TRUST AND APPROVAL RATINGS

The Founder and CEO Speaks: MGA MATATAAS NA OPISYALES SA TATLONG SANGAY NG PAMAHALAAN AT ANG KANILANG MGA TRUST AND APPROVAL RATINGS

by Alex Paglumotan, MPM
0 comment
Sa pinakahuling resulta ng Publicus Asia Inc. survey o Pulso ng mamamayang pilipino lumalabas na mataas ang Marka na nakuha ng limang pangunahing mga lider sa tatlong sangay ng ating gobyerno.

Sa pinakahuling resulta ng Publicus Asia Inc. survey o Pulso ng mamamayang Pilipino lumalabas na mataas ang marka na nakuha ng limang pangunahing mga lider sa tatlong sangay ng ating gobyerno.

Ayon sa naging kinalabasan ng September 16-20, 2022 at sa kabuuang bilang ng 1,500 ka mga respondents from all walks of life, si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ay nakakuha ng 58% trust at 62% approval ratings.

Nasa 62 % at 66% naman ang para ka VP Sarah Duterte.

At sa mga namumuno naman ng lehislatura ng bansa 42% trust and 50# approval ratings para Kay Senate President Juan Miguel Zubiri, 39%-46% para Kay House Speaker Martin Romualdez at 35%-43% sa panig ng hudikatura na pinamumunuan ni Chief Justice Alexander Gesmundo.

Publicus Asia Inc. 2022 Pahayag Third Quarter Survey.
Publicus Asia Inc. 2022 Pahayag Third Quarter Survey.

Batay dito sa nabanggit the survey at sa nakuhang trust and approval ratings ng mga lider isa itong matibay na barometro nga liderato na maaring mas tumaas pa sa susunod na mga quarters Dependi sa kasunod na mga hakbangin na maaring mararamdaman ng mga mamayan sa buong bansa at maging ng mga kababayan natin saang panig man sa buong mundo.

Ang 62% na approval ratings para sa mahal nating Pangulong Bongbong Marcos ay hindi na masama ito, tingin ng nakararami mas mataas na grado itong ibinigay ng pulso ng publiko sa isang punong ehekutibo na mahigit isang daang araw pa lamang sa panununungkulan simula ng mailoklok sa palasyo mula sa phenomenal landslide victory na ibinuhos ng mga botante sa nakalipas na 2022 national elections.

Kitang kita rin ang mas mataas na marka para sa ating mahal na VP Inday Sarah Duterte na wala ring tigil sa pagpupursige ng mga programat proyekto’t mga pagbabago sa kaayusan ng kanyang concurrent position bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

Seryoso sa kanyang mga gawain, matalino, matatag at di natitinag sa kanyang paninindigan para sa kabutihan ng lahat ang ating VP Inday Sarah.

Tanong ng ilang political observers, anu ang pinapahiwatig ng pulso ng mamamayan sa kasalukuyan at sa hinaharap na kahaharapin ng bansa natin sa gitna ng mga bagong pagsubok sa administrasyon ni PBBM? Ang pulso ng mamamayan ay hindi naayun sa papel lamang, subalit ito ay tunay at tamang repleksyin sa takbo ng politikal, socio-economic at sa istado ng kalagayan ng mga pilipino.

At sa battlecry ng PBBM INDAY SARAH tandem na “sama sama tayong babangon muli” ang anchorage ng panibagong pag asa sa milenyal na panahon, na malalong higit na umaasa ang lahat ng mga kababayan natin ng magaganap na mas nakahihigit na pagbabago Laban sa lahat ng uri ng mga pangunahing problema ng ating bayan.

Na mas makaahon ang nakararami sa kahitapan, bababa ang presyo ng mga daily prime commodities at lumakas ang pwersa  ng buying public or purchasing power ng mga tao kapag maayus ang klima ng employment and salary schemes, mas lalago ang mga SMES, magkaroon ng food security, public safety and law and order na mahusay, lalakas ang pambansang ekonomiya at mas mabalanse ang import export policies upang muling makabangon at tumatag ang sektor ng pambansang agrikultura at ibang maliliit na industriya sa Pilipinas.

Sa ngayun masasabi natin fair and square na napaka “Herculean” ang babalikating trabahu ng ating mahal na Pangulong PBBM.

Hindi sa iilang buwan o isang taon lamang mararamdaman na natin ang parang “instant tahu” o “magical” na mga solution o overnight na magaganap na mga pagbabago na ating inaasam Asam.

At naniniwala tayong lahat na mas higit na kailangan ang “harmonious co-existence” ng tatlong sangay ng atin pamahalaan, na stable ang kakayahan at integridad ng mga ito at sa mga namumuno upang mas lalong tumibay ang pananalig ng mga mamaayang pilipino na sumoporta sa lahat ng galaw at isinusulong na mga ahensyang saklaw ng burukrasiya sa ilalim ng nag iisang “saligang batas” na nagmamando kung paanu mapabuti at mapalakas ang isang republika na kagaya sa atin.

Na hindi lamang structural by existence ikanga, ngunit epektibong administrasyon o pamunuan na ginagalang ang karapatan ng bawat isa sa ating lipunan, matibay na liderato politikal at may sapat na kalakasan sa pagsulong ng natatanging agenda for progress and development.

Wala naman tayong duda sa pundasyon ng kakayahan at integridad ng nasa kasalukuyang “powers that be” at Wala ring bahid ng hangaring umiwas pagsasakripisyo sa mga gawain para sa mga Pilipino.

Lubos na suporta at tiwala pa rin ang kailangan “driving force” o engine of growth ang manggagaling sa mga nasasakupan upang makahugot ng lakas ang ating nga namumuno lalo na sa nag iisang Pangulo ng bansa PBBM.

Kung mas tataas pa o bumaba ang trust at approval ratings sa susunod ng mga matataas na opisyales ang maging sandigan ay ang performance.

Kasi iba at malaki ang pagkakaiba ng perception keysa realidad ng mga pangyayari lalo na kung ang pinag uusapan ay tamang pamamahala at direksyon ng ating mahal na bansa.

You may also like

Leave a Comment

About Us

Lorem ipsum dolor sit amet, consect etur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis..

Feature Posts

Newsletter

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00