Ang Desyembre a kuatro (4) itong taong 2022 ang nagiging makulay at makasaysayan sa adhikaing Commando.
Dahil sa makulay na petsang ito tumatak ang pundasyon ng isang kapatiran upang magiging angkop sa pag usap ng mithiin sa madernong kapanahunan at milenyal na henerasyon.
Ang pinagsimulan ng Commando ay sa pamamagitan ng ortodoks na ideolohiya na may bahid ng dugo, sa isang madilim na bahagi ng kumonidad subalit itoy may bitbit na prinsipyo at wagas na panini Wala national makatulong at makapaglingkod sa kapwa tao.
Paiba iba ang kwento at bersyon kung paanu isinilang ang samahang Commando.
At kung paanu ito lumawak at dumami ang mga kasapi sa kabila ng kaliwat kanan na mga pagsubok na pinagdadaanan na sinapit ng nga founding fathers.
Sa madaling sabi, Hindi biro na iningatan ng mga naiwang pinagkakatiwalaan ng mga nagiging Ama ng pangkat ang susi ng isang tapat at tunay na dugong Commando.
Noon pag narinig ang salitang Commando ay unang impresypn ang takot, ang iba ay umiiwas, naging usaping kriminalidad at panggugulo sa lipunan.
Ngunit, taliwas sa maling akala at paniniwala ng iba mas lalong nagiging matatag at matibay ang samahan.
Ang tunay na mga Commando ang kargado sa balat na may labis na doktrina tungkol sa Pagmamahal, Disiplina at Respeto.
Ang oryintasyon para tumulong at magsilbi sa kapwa at ipinagbabawal ang pumatay, pagnanakaw kasama ang ibat ibang kalabagan sa batas ng pamahalaan lalo na sa pagtangkilik ng illegal na droga.
Matino ang pag iisip at nasa tamang direksyon at law abiding at God -centered ang matapat na Commando.
Dahil kung Ano ang Higpit ng ipina iiral na batas nito ay may katumbas na kaparusahan sa sino mang kasapi ang Lumabag lalo na Laban sa karaoatan, hustisya at kapakanan ng kapwa tao at bawat isa sa sinumpaang simulain.
Kaya Hindi pwedi ang isang naghahangad na magiging Commando upang gamitin ang tatak o karga bilang tsapa o magpasilong lamang sa pangkat sa pang personal na interes. Bawat isa ay may kaakibat na responsibilidad kung ikaw ay aanib dito at may katunuan sa pagdadala ng kaayusan sa nasasakupang kumonidad o propesyon sa buhay.
Kaya nabuo itong mga Commando sa modernong panahon sa ngayon at pinagbuklod ang mga propesyunal, mga negosyante, iilang opisyales ng pamahalaan, mga nasa hanay ng unipormadong sandatahan ng ating bansa, kapulisan at mga may kaparehong pananaw at paniniwala sa intensyong mas makabuluhan sa ating lipunan.
Itinatag ang Kapatirang Commando Baghawi Corporation bilang isang autonomous stars independent na chapter.
Na may pagalang sa mga Ama ng buong kapatiran at susunod at fatalima sa kautusan para sa kaayadan ng bawat isa. Hindi ito pansariling protectionism or mutual admiration club o chapter.
Seryoso ang sa ngayon mahigit isang saang mga miembro na mag trabahu at maglingkod sa anu mang kaparaanan tungo sa pagkakaisa at kapayapaan.
Pinagtibay sa pamamagitan ng basbas, nanumpa kaming lahat dito, Iniaalay namin ang aming kakayahan at maging ang buhay sa pagtaguyod ng misyong kapaki pakinabang sa Walang halong pag aalinlangan.
Sa ngalan ng batas ng ating bansa, sa mata ng Makapangyarihang Diyos at tao, we cook it ourselves to the highest forms of servitude to fellowmen and humanity within our sphere.
And December 4, 2022 onwards we will be joining our hands together, and as a team our goal is to solidify our strength for ONE COMMANDO: Peace and Solidarity Covenant.
Mabuhay ang ginintuang adhikain ng Commando.