Maraming panahon na ang nagdaan, iilang congressional sessions na rin ang natapos at lumipas matapos ang pagbabalik ng bicameral na lehislatura sa ating bansa ngayon lamang lumitaw itong panukalang batas.
Kakaiba ngunit kung madiinan ng husto ay malaki ang pakinabang hindi lamang sa sektor ng agrikultura na nagpapalago nito ngunit sa nutrisyunal na maidudulot sa ating kalusugan.
Taas kilay ang iba ng inihain ni dating DOH Secretary at kasalukuyang kongresista mula sa lalawigan ng Iloilo Rep. Janet Garin ang panukalang gawin ang “kamote” bilang substitute sa kanin at alternatibong pagkain sa hapag dahil sa maaring o sakali magkaroon ng rice shortage o pagmahal ng presyo nito sa kakulangan ng produksyon mula sa kanayunan.
Ang kontroversyal na dating Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan ay mukhang Seryoso sa kanyang pagsulong na maisabatas ito dahil maging ang mga karenderya, malalaking kainan o restaurants at ilang nga establisemento na may kinalaman sa food industry ay mabibigyan ng insentibo kung isalang sa mga menu books ang kamote bilang pangunahing carbohydrates keysa Kanin.
Di naman imposible na mangyari.
Ang “kamote” or sweet potato na produkto sa Pilipinas ay maliban sa fiber-rich ay matagal ng pangunahing pagkain sa hapag kainan ng mga kababayan natin sa mga bukirin.
Sa mga health conscious isa rin itong katangi tanging pagkain na maaring pamalit sa bigas kung saan mas makabubuti sa ating kalusugan Hindi lamang sa tradisyon o saling kaugalian ng mga Pilipino, ngunit kasama itong kamote sa talaan ng mga nutritious root crops na malakas ang nutrisyunal value pang kalusugan.
At kahit hindi lingid sa ating kaalaman at kinagigisnan na ang bigas na pinagkukunan ng kanin sa bawat mesa ay ang syang “ staple food” sa ating bansa.
Ikanga, tayo ay isa sa mga rice eating na mga bansa sa buong mundo lalo na sa Southeast Asia.
At sa kasaysayan ng import at export noon ang Pilipinas ang may pinakamalakas sa produksyun ng bigas na may magagandang variety.
Pero bakit biglang naglahu at nawala ang tinatawag na “golden era”” para sa atin kung bigas at agrikultura ang pag uusapan.
Ang masaklap pa dahil ang mga bansa na nagpadala ng kanilang mga agricutural scholars sa atin noon sa UP Los Banos at IRRI (International Rice Research Institute ) ay sila na ngayon ang nangunguna sa aspeto ng rice exportation.
At ang irony pa sa lahat sa ilang mga importasyon na ginawa ng ating gobyerno nasyunal Sila na ngayon ang ating pinagkukunan.
Thailand, Vietnam at iba pang mga karatig bansa natin na Minsan dito nag aral at tumuklas ng kagalingan sa rice production.
Ngayon dahil sa realidad, ang kamote ay nakita ng isang mambabatas na pweding gawing “option” at siguro panahon na rin ang nagsasabi na makatotohanan ito.
Mahigit 110 milyon na tayu sa populasyon at napakaliit masyado ng mga taniman ng palay kahit pa man may mga kugar sa bansa na kung tawagin ay rice granary.
Lumiit din ang bilang ng nga rice farmers dahil sa kawalan ng interest at isa sa pinakamalaking rason at libog sa utang mula sa mga enterprising na mga traders at kapitalista.
Kinukulang ang suporta ng pamahalaan at di gaanu kung prioridad ang pag uusapan.
Salamat sa panibangong pag asa na binitawan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ipabangon ng husto ang Agrikultura at buhayin ang pag asa para sa mga magsasaka.
Si PBBM bilang Kalihim ng DA ay inaasahang “hands on” upang mas mapunduhan at muling bumalik ang sigla ng mga sektor na mismong nagpapakain sa atin.
Di rin tago sa kaalaman natin na may mga kababayan tayu na maize naman ang kanilang number 1 food.
Kung sakaling sang ayunan ito ng kongreso at maging isang ganap na batas Hindi ito masama para sa bayan at sa ating ekonomiya.
Kung Hindi man maging pangunahing pagkain, makakaasa naman tayo na mabalanse ang tugon sa pang araw araw na pangangailangan sa pagkain at mas healthy pa ang kamote.
Sa isang banda kung paglalaanan ng dagdag pundo ng DA ibig sabihin nito karagdagang kita para sa mga magsasaka na tututok dito para lumakas ang teknolohiya sa pagtatanim ng kamote at mapag aralan ng husto ang magiging by-products para maging isang indistriya sa hinaharap dahil sapagkat ang kamote ay iisa lamang sa napakaraming kilalang mga root crops sa madaling palaguin sa ating lupain.
Huwag lg mahaluan ng mga ibang interests na ang hangad ay kumita at gawing kingkoy naman ang kalagayan ng mga pobreng nasa sakahan at produksyon.
Sa pangkalahatang pananaw maganda ito.
Makakatulong na sa ekonomiya na sana buong Agrikuktural na sektor ay makabangon at arugain ng pamahalaan, dadami pa ang trabahu, Marami ang mabubuhay na pamilyang pilipino at higit sa lahat di tayo mauubusan ng alternatibong pagkain at para pa sa ating bawat kalusugan.