Isang matibay na pundasyon na may napakgandang simulain “humanitarian service”, sinusunod na panuntunan ayun na rin sa mga umiiral na batas ng Republika ng Pilipinas at higit sa lahat ang tunay na samahan ng mga kapawa Agila.
Napalood din sa “Magna Carta” ng Agila ang detalyadong mga dapat sundin ng mga kapatid, mga responsibilidad na dapat tuparin ng buong husay, pantay pantay na pagtingin, Walang matataas, Walang nasa ibaba istruktura lamang ang nakasaad upang magkaroon ng disiplina at pagkakaisa sa organization ng Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles (FOE-PE).
1979 pa ng magsimulang lumipad ang kapatiran ng Agila.
At simula sa isang makasaysayang yugto, lumaganap, lumaki “ beyond expectations “ ang kapatiran sa pananaw ng bawat kasapi rito bitbit ang isang direksyon ng pagkakapwa tao.
Ang inyong abang lingkod at matagal ng inaanyayahan ng mga malalapit na kakilala at mga kaibigan na sumali sa kanilang Eagles Club lalo dito sa lalawigan ng Palawan.
Matagal kung pinag isipan na may kasamang panuri kung Anu ba ang tunay na mga adhikain at misyon ng Fraternal Order of Eagles ? Kahit sinong normal na tao ay bago pasukin ang ganitong bagay ay kailangan mapanuri at alamin maigi ang papasuking fraternity man o brotherhood na organisasyon.
Malakihan man o Hindi, malaliman man o may kababawan Hindi naman yan ang isyu.
Ang totoong kahulugan ng pagsanib ay kung kaya mo ang mithiin ng papasukan mong grupo.
At ang nakahihigit ay pasakop ka sa isang fraternal order na nasa misyon ka nakatuon at Hindi sa personal na ambisyon o pag abanse ng pansariling kapakanan.
At makalipas ang matagal na pagsusuri, buong puso ako at Walang Bahid na pag aalinlangan na isinabak ko mismo ang aking sarili sa mga pagsubok bilang bahagi ng mga patakaran para maging isang tunay na Agila.
Niyakap ko at bitbit ang mga kakayahan at handang sumunod sa karakter na naaayun sa Fraternal Order of Eagles -Philippine Eagles.
Salamat sa Palawan 1780 Islands Eagles Club sa malugod na pagtanggap sa akin ng mga kuya.
Labis ang aking kaligayahan na isa na akong ganap na Agila.
At malaliman Kong naunawaan ang tapat na panunungkulan sa Anumang kapasidad na iutos at maaring ipagkatiwala sa akin ng aming club at sa mother club kung Saan kami napabilang.
Hindi ko na rin Binigyan ng kahit maliit na interest ang mga hidwaan na Walang saysay at katuturan.
Ang mga labanang personalidad sa mataas na Antas ng pamunuaan dahil normal o masasabing natural lamang sa isang demokrasya ang “power struggle” o anu pa man.
Ang pinaka mahalaga sa akin bilang isang ganap na Agila at sa aming kapatiran sa sariling Eagles Club ay ang makapag umpisa sa pagsulong ng mga programat proyekto na makakatulong sa mga tao at higit na nangangailangan ng ating serbisyo na angkop sa dapat Gawain sa kapatiran.
Dahil baitd ko rin na ang pagiging isang “tunay na Agila” ay Hindi paramihan Ngunit dekalidad at may integridad both in public and private life at maging responsable sa paglilinhkod sa kapwa.
Hindi rin maaring ipagyabang o magamit ang pagiging isang Agila sa anumang uri ng kalokohan Laban sa kapwa.
Ang pag alalay sa kapwa Agila ay isa sa pinaka ginintuang “golden role” asal na dapat pag Iralin at ikabuhay.
Walang abuso, Walang pang aapi, Walang pagmamalabis o Anu mang kaugalian na kokontra sa katangian ng isang tunay na Agila.
Hindi o bawal din dito ang maghangad ng kapalit dahil Hindi ito isang “investment to gain” subalit dito ang Hindi at Walang kikitain mas maglaan ka ng bahagi ng iyong kakayahan na kung anong Meron ka para sa makabuluhang serbisyo sa kapwa tao.
Walang gyera dito o pang digmaan na konsepto o gagamitin sa pananakot o paninindak sa isang kumonidad o indibidwal.
Sa madaling sabi ang tunay na kapatiran ng Agila ay busilak at bukal sa kalooban ang mag alay ng “servitude to humanity” na Walang motibasyon ng pagkasira o paninira.
At Hindi ako nagkamali sa pinasukan ko.
Umaasa at naniniwala ako na sa paglipas pa ng Maraming aton at panahon mas aabutin pa ng lumilipad na Agila ang pinakatuktok ng kanyang misyon at sakupin ang mas malalawak pa na kagubatan ng katotohanan sa buhay ng mga tao.
Di ordinaryong Agila, ang kailangan ay sapat na determinasyon, nasa lugar na katapangan, positibong pananaw at tamang direksyun na may dalang malasakit sa bawat isa at higit sa lahat isang honarableng respetado at may isang salita at paninindigan na Agila na maging halimbawa na Kayang sundin at ipagmamalaki ng susunod pang mga henerasyon ng buong kapatiran.
Sa mata ng Diyos at kapwa tao ang Agila ay isang matinong Agila at nararapat na pagyamanin ng bawat isa sa kapatiran at nasasakupan.
Mabuhay ang Agila!