Ilan sa mga hindi matatawarang bunga ng tunay na paglilingkod ni Gob. Jose Chaves Alvarez para sa mamamayan ng Palawan

  • Sa ilalim ng pamunuan ni Gob. JCA ay naipatayo ang 15 bagong ospital na mayroong kumpletong pasilidad at hospital equipment. Naipatayo rin ng ilang mahahalgang pasilidad pangkalusugan tulad ng Barangay Health Stations at Rural Health Units, katuwang ang Department of Health (DOH).
  • Sa pamamagitan ng Programang Pang-Edukasyon sa Palaweño ay nabigyan ng oportunidad ang mga Palaweñong kumukuha ng kursong medisina na mabigyan ng scholarship grant. Sa kasalukuyan ay mayroon nang 30 mga bagong doktor na benepisyaryo ng program ang naglilingkod sa ma bagong ospital sa Palawan.
  • Patuloy na tinutugunan ni Gob. JCA ang kawalan ng malinis na inuming tubig sa mga kanayunan. Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 40 Water Supply System Projects ang natapos na ng Pamahalaang Panlalawigan kung saan libo-libong mga Palaweño na kabilang sa 212 na barangay ang naseserbisyuhan ng malinis na inuming tubig.
  • Binigyang prayoridad ng pamunuan ni Gob. JCA nag pagtatayo ng mga karagdagang SCHOOL BUILDINGS at MULTI-PURPOSE HALL na umaabot na sa 5,117 at iba pang pasilidad tulad ng 55 COVERED COURTS.
  • Inilunsad at pinalakas ni Gob. JCA ang programang RESCUE 165 para sa agaran at libreng tulong sa mga nangangailangan sa panahon ng sakuna.
  • Umabot na sa 7,991.435 kilometro ang nabuksan at naisaayos na mga kalsada ng Pamahalaang Panlalawigan mula sa target nito na mahigit limang libong kilometro.
  • Mahigit dalawampung libong kabahayan ang napakalooban ng libreng Solar Home System Units mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng Barangay Electrification Action Plan (BEAP) na binuo ng pamunuan nina Gob. Jose Chaves Alvarez at Bise Gobernador V. Dennis Ma Socrates. Upang matugunan ang pangangailanga sa kuryente sa mga malalayong barangay na nasa off-grid areas sa lalawigan.
  • Sailalm naman ng Barangay Electrification Program (BEP) ng Pamhalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Jose Chaves Alvarez naisakatuparan ang pagtatayo ng tatlong (3) Power House System sa mga munisipyo ng Linapacan, Taytay at Balabac.
  • Sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Jose Chaves Alvarez ay higit na pinalakas at pinalawak ang mga programa na nakatuon sa kapayapaan, kaayusan at seguridad ng lalawigan. Binigyang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ang programang para sa rebel returnees at iba pang mga programang panlipunan.
  • Binigyang prayoridad ni Gob. Jose Chaves Alvarez ang pagpapalawak at pagpapalakas ng mga programa at serbisyo na may kaugnayan sa industriya ng turismo.
  • Konstruksyon ng Buliluyan Port sa Bataraza na magkokonekta sa Palawan sa mga destinasyon na kabilang Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippine-East Asean Growth Area o BIMP-EAGA; at pagsasagawa ng Borac Port sa Coron at San Fernando Port sa El Nido katuwang ang Philippine Ports Authority (PPA).
Palawan Governor Jose Chaves Alvarez accomplishments.