How to use the the STAYSAFE APP

Nananawagan si Dr. Dean Palanca, ang Incident Management Team Commander ng Puerto Princesa City sa mga taga lungsod na i-download na at gumawa na ng account sa Staysafe Ph., isang mobile application na gagamitin para sa mas mabilis na contact tracing kontra Corona Virus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Palanca, bagaman wala pang eksaktong araw kung kailan tuluyang maipatutupad ay mayroon na kasing resolusyon ang syudad na gagamit na ito ng nasabing application.

“Iyong mga wala pa pong mga app diyan ng StaySafe, gumawa na po kayo kasi nandoon na sa resolusyon na gagamit na tayo ng StaySafe”, pahayag ni Palanca.

Maghihigpit din umano ang mga ito sa ilang mga restaurant at malls na maglagay ng QR code sa kani-kanilang mga entrance kungsaan ay dapat i-scan ng bawat indibidwal na papasok dito.

Sa nasabing app, maaaring malaman kung ligtas ang lugar na tutunguhin at sumusunod sa health protocols.

Sa pamamagitan nito ay mapabibilis umano ang contact tracing, mas magiging convenient sa mga mamayan at mas ligtas ngunit dahil hindi lahat ay mayroong smartphones ay maaari parin umanong makapasok sa isang establishment ngunit kinakailangan paring magsulat ng pangalan, address at temperatura gamit ang thermal scanners.

Download the Staysafe PH App

Register or Sign-up

Register or Sign-up for an account using your mobile phone number.

Declare health conditions

Declare your health condition and the health condition your family members as well.

Scan QR code

Scan QR code from entrance of any establishments you wish to enter.