KOMPANYA NG MINAHAN SA IPILAN, NANINDIGAN NA LEGAL ANG KANILANG OPERASYON!

NININDIGAN ang Ipilan Mining Corporation na wala itong nilalabag na batas at legal ang kanilang ginagawang operasyon nang pagmimina sa lugar na nasasakupan ng bayan ng Brooke’s Point Palawan.

Ayon kay Ipilan Mining Corporation OIC Resident Manager Alex Arabis, may katapat na batas na itinatakda ng DENR ang dapat na sundin ng isang kumpanya bago at habang nagsasagawa ito ng operasyon sa isang lugar at lahat umano ito ay kanilang sinusunod mula sa permit at lisensya sa ilalim din umano ng mahigpit na monitoring sa kanila ng Mining Regulatory Board. Ayon pa kay Arabis, seryosong atensyon ang binibigay ng kanilang kumpanya sa pangangalaga sa kalikasan kung saan naglalaan ng 4 percent ang kanilang kumpanya para sa Environmental Enhancement Program mula sa kanilang kabuoang pondo kada taon bukod pa rito ang lagpas 1 porsyento para naman sa Social Developement and Management Program para sa Programang Edukasyon, Kalusugan at Imprastraktura sa mga lugar na nasa labas ng Minahan partikular sa anim na baranggay na malapit rito.

Sa ngayon naglaan narin ang kumpanya ng humigit 17 milyon para sa mga katutubo tulad ng libreng gamot,libreng ospital, tribal house ,nutrisyon ,edukasyon at iba pang programa para sa kapakinabangan ng mga katutubo, handa rin namang makipag-usap ang kumpanya sa lokal na pamahalaan ng bayan ng brooke’s point para sa mga usaping pangkaunlaran ng bayan kung saan patuloy naman umano sa ngayon ay coordination nito sa ibat-ibang opisina ng LGU Brookes Point.

Sa huli sinabi ni Arabis na ang kumpanya ng Ipilan Nickle Mining Corporation ay isang responsableng kumpanya kung saan ginagawa nito ang operasyon hindi lamang sa kung ano ang sinasabi ng batas bagkus ay gawa na may malasakit sa kalikasan.

Matatandaang, isang resolusyon ang inaakda ng Sangguniang Bayan ng Brooke’s Point para bigyang karapatan ang kanilang Punong Bayan upang kanselahin ang Mayor Permit ng nasabing kumpanya dahil umano sa ibat-ibang paglabag sa mga sa mga kasalukuyang Municipal Developement Plans ng nasabing bayan at marami pang iba.

Related posts

MGA KAPITAN SA NARRA, NAGKAISANG SUMUPORTA PARA SA NALALAPIT NA 3N1