Home EDITORIAL Palawan Vanguard CEO to Take an Oath as PEDCO BIMP EAGA PRESIDENT 2023

Palawan Vanguard CEO to Take an Oath as PEDCO BIMP EAGA PRESIDENT 2023

by Alex Paglumotan, MPM
0 comment
Parang Kailan lg ng pasukin ko ang Palawan Economic Development Council o PEDCO BIMP EAGA. Ang isang matibay na Konseho na itinatag noong 2007 sa bisa ng isang Ordinansa Probinsyal na iniakda ni dating Provincial Board Member Cipriano CE Barroma na kasalukuyang naglilingkod pa bilang Country Director at kinikilala bilang Chiaman Emeritus ng kalipulan na ito ng mga kapwa naming negosyante malalaki man o small or medium enterpreneurs sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan.

Parang kailan lg ng pasukin ko ang Palawan Economic Development Council o PEDCO BIMP EAGA. Ang isang matibay na Konseho na itinatag noong 2007 sa bisa ng isang Ordinansa Probinsyal na iniakda ni dating Provincial Board Member Cipriano CE Barroma na kasalukuyang naglilingkod pa bilang Country Director at kinikilala bilang Chiaman Emeritus ng kalipulan na ito ng mga kapwa naming negosyante malalaki man o small or medium enterpreneurs sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan.

Ang PEDCO ay Hindi lamang nagsasagawa ng mga programa at konsepto sa kapakanan ng lipunan, o mas higit na Hindi ito isang “mutual business club” subalit isa itong organisasyon na may matatag na prinsipyo sa kanyang pundasyon. Ang isa pang pinakamahalagang misyon nito ay tugunan ang responsibilidad na maka tulong sa pamahalaan sa pakikipag ugnayan sa East ASEAN Growth Area na kasama dito ang mga bansang Brunei Darussalam, Indonesia at Malaysia.

Hindi basta maliit o madali ang adhikain nito. Mas lalong Hindi lamang pang sariling kabutihan ng mga kapwa negosyante subalit ang magiging bahagi sa agos at takbo ng balanseng ekonomiya na naayun sa mga umiiral na mga batas ng apat (4) na mga bansa sa EAGA.

Trade at Komersyo, cultural exchange, tourism development, products and manufacturing development, business conferences, business matching at mga forum o summit may kinalaman sa pag uugnayan at pagtutulongan ng bawat sakop na mga bansa sa ilalim ng mag business councils na naitatag na noong kapanahunan pa ng yumaong Pangulo natin Fidel V. Ramos.

Ang mga “hallmark” na pundasyon at pamamalakat dito “ ay kinikilala ng ating pamahalaang nasyunal at kahit sa mababang kapulungan ng kongreso at mayroong kumitiba para sa BIMP EAGA.

Buhay na buhay pa hanggang sa ngayun ang mga alituntunin na sinimulan mga ilang taon na ang nakalipas.

Kahit pribado ang kaurian ng PEDCO sa Palawan pero mataas ang pagkilala sa karapatan at pagpapahalaga sa mga pamamaraan ng gobyerno bilang katuwang sa pagtaguyod ng “economic landscape for prosperity” sa lalawigan at syudad.

We are strongly committed at dahil nanggagaling sa ibat ibang larangan ng pagbenegosyo ang mga kasapi at opisyales dito, naniniwala ang bawat isa na may magagawa para sa tamang direksyon at layuning maging kapaki pakinabang sa sosyodad ng Palawan.

Ang PEDCO na kinikilala ng ating mga “counterparts” sa Minda o Mindanao Development Authority na isang ahensya ng gobyerno nasyunal, ang BARMM business council, Meron din sa Davao na economic council at sa talaan ng mga konseho pang ekonomiya na may kinalaman sa EAGA ay isa ang PEDCO sa iilan lamang sa buong bansa

Ang “prestigious na PEDCO” ay may sariling pinaiiral na Constitution and By laws at Code of Ethical Standards” upang maging maayus ang Pamamahala at patakaran upang maging maayus at nasa katinuan ang lahat ng “conduct” nito.

Hindi pwedi abusuhin at gamitin para i abanse ang pansariling agenda lamang.

At sa katagalan ay naging mas lumalaki ang hamon sa larangan ng pagpapalago sa “economic cooperation” sa pakikipagsabayan sa global na pamamaraan ng “abanseng trading system” ang samahan na ito ay mas lalong nakikilala sa ibayong dagat.

At anu man ang kasunod pang mga hamon, kailangan pangatawanan ang mandato na pinagkaloob ng mga kapwa ka PEDCO.

At para na rin sa patuloy na pagtaguyod sa sinumpaang responsibilidad, tinatanggap ko ang hamon bilang maging Pangulo sampo ng aking nga kasamahan at katuwang sa panibagong panahon.

Sana naway patnubayan kami nga Poong Magkapal na maipatupad at maisakatuparan ang ninanais ng PEDCO BIMP EAGA.

You may also like

Leave a Comment

About Us

Lorem ipsum dolor sit amet, consect etur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis..

Feature Posts

Newsletter

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00