PFP: Partido Federal ng Pilipinas Napapanahon Para sa Pagbabago

Sa opisyal na datus mula sa tanggapan ng Comelec ang Partido Federal ng Pilipinas na nasa ika apat (4) na taon pa lamang mula ng ito ay nabigyan ng legal na dokumento ng pagkilala noong Oktubre 5,2018 at inapribahan ng ahensya bilang isang ganap na pampolitikal na Partido nasyunal noong a singko (5) ng Nobyembre 2018.

Kung tutuusin ang PFP ay bagong sibol sa larangan ng arena politikal sa Pilipinas di kagaya ng mga dekada ng mga political parties sa ilalim ng multi-party system na nilalahad sa ating saligang batas matapos ang Edsa revolution noong 1986.

Musmos lamang sa pandinig ng nakararami subalit ang PFP sa ngayon ang maituturing na ruling political party dahil ito ang nagbitbit sa kandidatura ng mahal nating Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ng kumandidato ito sa nakaraang May 9, 2022 na halalan nasyunal.

At nagwagi ang kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas sa pamamagitan ng napakalawak na “margin for a phenomenal landslide victory”.

At ang malalawakang pananaw ang panalo at labis na tiwala ng sambayanang Pilipino kay PBBM ay senyales ng pag arangkada sa inumpisahang mithiin ng partido sa pagsulong ng mga makatotohanang pagbabago at magdadala ng panibagong pag asa sa lahat ng mga Pilipino sa ating bansa sa at mga kapatid natin Saan panig man ng mundo.

Ang malaking katanungan paanu? Anu ang pinaka papel ng PFP sa administrasyon o pamamahala ng pamunuang PBBM sa kaunlaran ng bawat mamamayan? At para malinaw sa lahat, Hindi ninanais ng bawat kasapi ng PFP ang mailuklok sa pwesto sa ilalim ng kabuuang termino ng kapartidong Punong Ehekutibo sa bansa.

Maliban na lamang sa mga mas higit na kinakailangan ang kanilang Malawian na karanasan at kaalaman na angkop sa posiyson na kailangan para sa mamamayan.

At bilang isa sa mga kasapi ng PFP Wala pa akong narinig o nalalaman na nagkaroon ng pressure o lobby interest and partido sa sinuportahang Pangulo.

At isang patunay na halimbawa nito ay ang dalawa sa mga “founding fathers” ng PFP na sina Heneral GT Lantion at Atty George Briones na pawang mga kinikilalang mga haligi sa pinakamataas na antas ng Partido Federal ng Pilipinas.

Sa makatuwid, ang naturang adhikain ng partido para sa Pangulo, ang Partido ng mga maliliit na sektpr sa ating Lipunan ay ang paglilingkod sa kapwa Pilipino, proteksyun sa hanay ng mga manggagawa, estudyante, OFWs, mga naaapi, nawawala ng tiwala’t pag asa sa pamahalaan, pantay pantay na pagkilala sa karapatan ng bawat isa, maging patas sa batas at kung paanu makakatulong upang mapalago ang ekonomiya’t kabuhayan ng bawat Pilipino.

Na makabangon ang ating bansa at kayang makipagsabayan sa paglago ng mga karatig bansa sa buong mundo sa panibagong panahon.

Ang hamon ang napakalaki.

Ang direksyon sa adhikain at pandas na patutunguhan ang magiging madugo laban sa naghaharing sistema.

Walang imposible sa paninindigan ng PFP at sa totoo lang kakaunti lamang ang bilang ng mga gobernador, kongresista at mga mayors na nasa ilalim ng partido.

Pero dahil marami rin ang gustong sumakay sa barko ng kapayapaan at kaunlaran, andami ang gustong magpasakop sa ngayun sa bandera ng partido.

Normal na eksena na palaging makikita sa isang demokratikong “multi-party system” na halos birthday at Christmas party na lamang ang hindi nagagamit sa isang ehersisyo politikal.

Ang tunay na kulay at interest ng PFP ay hindi lamang nakasalalay sa padamihan ng mga kandidato sa susunod lalo na tradisyunal na mga pigura at personalidad.

Mas naaangkop pa rin ito at nakabase sa matibay na pundasyon ng ganap na pagbabago at seryosong pagtugon na pangangailangan ng bawat mamamayang Pilipino sa isang limitadong hakbanging naayun sa limitasyon ng umiital na mga batas at tamang pagamit ng pag aaring yaman ng taong bayan na mas mapakinabangan ng taongbayan ang lahat ng mga programa’t proyekto sa administrasyong PBBM.

Mas ninanais ng mataas na pamunuan ng PFP na matupad ang “social contract or blue print of true governance” na walang bahid ng eksibisyong politikal lamang

Ang PFP sa buong bansa kasama ang matibay na istruktuta nito sa bawat rehiyon, probinsya at mga lokal na chapters ang magsisilbing mga “watchdogs” sa ikabubuti ng pamamahala na mararamdaman ang kalutasan sa mga pangunahing problema ng bansa, pag sagot sa mga usapin ng kumukulong mga tiyan, social justice, proteksyun sa mga mahihitap at maliliit nating mga kababayan at higit sa lahat mawakasan ang abuso’t kurapsyon sa ibat ibang ahensya ng burukrasiya sa gobyerno.

Hindi madali at hindi rin sa iaang pikit mata matatapos ang samo’t saring mga sakit ng bayan.

Ngunit kailan pa magsimulang magwakas ang matagal ng kanser sa ating pamayanan? Sa panahon ngayun, mas napapanahun ang isang partido Federal, ang Partido ng Pangulo na magtaguyod at magsimula aa panibangong laban at matinding hamon.

Isang napakalaking sakripisyo ngunit nararapat,karapat dapat at higit sa lahat kaakibat sa isang solidong paniniwalang “ sama sama tayong babangon muli”.


Related posts

KAPEHAN SA PALAWAN TALK SHOW: The Revival

UNPRECEDENTED MULTI-MEDIA COLLABORATION: Mediastar Brunei and Palawan Vanguard Online News Agency powerful tandem

I DO ACCEPT THE CHALLENGE