Sa pormal na pagbibitiw ni dating Executive Secretary Atty. Victor Rodriguez
Marami ang tumaas ang kilay.
Meron natuwa lalo na ang mga nasa hanay ng mapagkunwaring power grabbers at mga instant loyalists ikanga.
May mga nalulungkot dahil alam ng halos lahat ng mga Pinoys na si Atty. Vic ay palaging nasa tabi at taga pag tanggol ng ating mahal na Pangulo Ferdinand Marcos Jr, o PBBM mulat sapol ng nagkaroon ng protesta doon sa Presidential Electoral Tribunal (PET) Laban sa dating bise presidente na si Leni Robredo.
Si Robredo ang sya namang malakas na katunggali ni PBBM sa nakalipas na Halalan 2022 kung saan nalampaso ito sa “phenomenal na panakot” ng kasalukyang Pangulo ng Pilipinas.
Bakit kusang umalis ang matalik na kaibigan ni PBBM at isang loyal at matibay na haligi na ayun sa mga politikal na tagamasid lamang si Atty. Vic sana ang taga bantay sa likod ng ating mahal na Presidente?
At ang dami rin ang naninjwala na malalim ang dahilan, dahil Hindi ganun ganun na lg basta Alisan o Lisanin ni atty Vic ang napa ka Selan na katungkulan sa palasyo.
Ang isang posisyon bilang executive secretary ay kahalintulad sa tinatawag na alter ego or little President. At kung poder at pribilihiyo ang pag uusapan ito ang posisyon na napaka Taas at poderoso.
Kung may nagawang kamalian si Atty. Vic ay hindi natin alam kahit pa man Marami ang umuugong na balita subalit Wala itong basehan at Hindi napatunayan.
Ang isang Victor Rodriguez ay kilala bilang isang tanyag at respetadong abogado ng ating bansa.
Andoon sya at nandyan sa lahat ng laban ni PBBM.
Isang loyal na sundalo sa kanyang pinapanigan na tao.
May nagtatanong pa kung naiwan ba si Atty. Vic sa pansitan?
Na sa kabila ng kanyang pagpupursige, lahat ng labis ng kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa ating mahal na Pangulo mas nanaig pa ang mani obra ng iba o Ano mang pwersa laban sa kanya?
Pagmamalabis, inggitan o Anu mang kadahilalan di natin saklaw ang totoong istorya sa likod na nakabalot sa pag bitin ni Atty Vic bilang may pinakamataas na katungkulan sa palasyo.
At sa kabila ng mga pangyayari, sa kanyang opisyal na pahayag bilang sagot sa kaliwat kanan na pagbabatikos sa kanya maging sa kanyang integridad, nanatiling tahimik at mapagkumbaba ang abogado at kaibigan ni PBBM.
Lumalabas na napaka Taas ng kanyang respeto sa ating mahal na Pangulo at nananawagan sya na susuportahan si PBBM sa kanyang mga hangarin na “sama sama tayong babangon muli” sa Pilipinas.
Anu man ang totoo at Hindi totoo, Atty Vic Rodriguez Hindi ka nag iisa, napakarami ng nakikisympatiya sau sa nangyari.
Marami ang naniniwala sa iyong prinsipyot panini digan.
Isa ka sa may kakayahan na babalikatin Anu mang bigat ng pagsubok para sa kapakanan ng isang matatag na pinaniniwalaan mong lider at para sa kapayapaan ng lahat.
“Supreme Sacrifice” is the real issue here. Sana ito ang Hindi masamang senyales para sa lahat ng may mga hangarin at pang personal lamang na motibasyon para i abanse ang kanilang pansariling ambisyon at kappa kanan.
Atty. Victor Rodriguez Mabuhay ka!